Cauayan City, Isabela- Natanggap na ng Isabela Provincial Health Office ang 58,550 doses ng COVID-19 vaccines para sa nagpapatuloy na vaccination rollout ng pamahalaang panlalawigan.
Mula sa bilang ng bakunang dumating sa probinsya, mayroong 8,470 vials ng Janssen vaccine; 16,200 vials ng Sinovac at 2,900 vials ng AstraZeneca.
Batay sa datos ng National Immunization Program, as of July 25, 2021, mababa ang bilang ng mga nagpapabakuna sa probinsya dahil mayroon lamang 23.7 porsiyento sa A2 priority group o sa mga senior citizens ang nabakunahan.
Kaugnay nito, ang mga nasa edad 60 pataas pa rin ang prayoridad ng pamahalaang panlalawigan na maturukan ng first dose ng Johnson & Johnson na bakuna.
Facebook Comments