59-anyos balo, 19-anyos ‘kasintahan’ natagpuang patay malapit sa motel sa Isabela

605

Natagpuang patay ang isang 59-anyos na balo at 19-anyos na hinihinalang kasintahan nito sa loob ng kotse na nasa harap ng motel sa Isabela, ayon sa pulisya, Martes.

Tinukoy ni Isabela Police Spokesperson Police Capt. Frances Littaua ang mga biktima na sina Tomas Greycochia, negosyante, at Cristina Gragasin, saleslady.


Natagpuan ng Roxas police ang dalawa sa isang Toyota pick-up na nakaparada malapit sa Myx Miniotel sa San Antonio village bandang alas-7 ng umaga.

Base sa imbestigasyon, parehong nagtamo sa ulo ng tama ng bala mula sa 9-mm pistol.

Ginamit umano ng balo ang baril para patayin ang babaeng biktima bago kitilin ang sariling buhay.

Facebook Comments

From Advertisers