59 anyos na Babae, Pumanaw dahil sa sakit na SARI

246

*Cauayan City, Isabela*- Isang 59 anyos na babae mula sa Bayan ng Tumauini, Isabela ang kabilang sa Person under Investigation (PUI) ang pumanaw sa Cagayan Valley Medical Center nito lamang March 21, 2020.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, una ng naconfine ang pasyente sa Isabela Doctors General Hospital dahil sa pag uubo at hirap sa paghinga.


Una ng napag alaman na may karamdaman ito dahil sa pag uubo sa loob ng isang (1) buwan hanggang sa maiadmit sa ospital noong March 3 at inilipat sa Cagayan Valley Medical Center noong March 13, 2020.

Batay sa pakikipag ugnayan ng ospital, ang pasyente ay tinamaan ng SARI o Severe Acute Respiratory Infection.

Dagdag pa ni Binag na walang travel history sa mga apektadong bansa ng COVID-19 ang nasabing pasyente.

Isinailalim din ang swab sample ng pasyente sa COVID-19 test pero binawian ito ng buhay bago pa man lumabas ang resulta ng kanyang pagsusuri.

Facebook Comments