Lalaki sa QC, arestado matapos magbenta ng ‘unlabeled alcohol’ sa mataas na halaga

231
Handcuffs

Humaharap sa magkakasunod na kaso ang 59-anyos na lalaki matapos itong mahuling nagbebenta ng walang lebel na alcohol sa mataas na halaga.

Sa report ng NCRPO Public Information Office, nakumpiska nito lamang Linggo ang nasa mahigit 61,000 halaga ng alcohol sa isang entrapment operation ng PNP sa Kitanglad Street, Brgy. Doña Josefa, Quezon City.


Nakatanggap umano sila ng sunud-sunod na reklamo laban sa suspek.

Nahuli ito matapos magpanggap ang isang buyer online at nakumpirang nagbebenta ang lalaki ng alcohol sa halagang P175 kada litro.

Nasamsam sa suspek ang 350 piraso ng 1 litro ng alcohol.

Agad itong inaresto sa kasong paglabag sa Price Act, Consumer Act of the Philippines, at Republic Act 113332.

Facebook Comments