5ID, Muling Binuhay ang Press Corps

Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela – Muling binuhay ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang kanilang press corps sa ginanap na Christmas party laan sa media.

Sa pangunguna ni Army Captain Jefferson Somera, ang pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng naturang military unit ay isinaayos ang ilang taon nang hindi aktibong press corps at ginabayan ang pagkakahalal ng mga bago nitong mga opisyales.

Sa nangyaring halalan na ginanap mismo sa upisina ng 5ID DPAO noong Disyembre 12, 2017 ay nahalal na Pangulo si Jun Berganio ng Brigada, Vice President for print si Joe Dasig ng The Patriot, Vice President for Broadcast si Conrad delos Reyes ng RMN affiliate station DWDY, Kalihim si Mae Barangan ng Northern Luzon, Treasurer si Victor Martin ng Philippine Star at Auditor si RMN Cauyan DWKD field reporter John Soriano.


Pagkatapos ng halalan ay agad namang ginawa ang oath-taking sa pamamagitan ni 5ID Acting Commander Bgen Roy T. Devesa kasabay ng inihandang Christmas party ng 5ID.

Kasama ni Bgen Roy T Devesa sa okasyon ang kanyang maybahay at mga matataas na opisyal ng army division.

Laking pasalamat naman ng bagong halal na 5ID Press Corps president na si Ginoong Jun Berganio sa pagpapahalaga ng kampo sa press corps.

Sa mensahe naman ni General Devesa ay kanyang sinabi na mahalaga ang media sa pagpapaabot ng mga mahahalagang impormasyon sa madla at mahalaga ding katuwang ng Philippine Army sa mga programa nito. Kanya pang ikinuwento ang masaya nitong pakikipaghalubilo sa media sa kanyang mga naging assignments lalo na sa Meto Manila.

Nagagalak din si Army Captain Jefferson Somera ng 5ID DPAO na matagumpay ang ginawang muling pagbuhay sa 5ID Press Corps na hindi naging aktibo sa mga nakalipas na taon.



Facebook Comments