Humina na ang rebeldeng grupo ayon kay 5ID commander MGen. Laurence Mina, kung saan limampu’t tatlo (53) na kasapi ng teroristang grupo ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa unang quarter ng 2022.
Dahil dito, maaari umano nilang buwagin ang natitirang miyembro ng komunistang grupo sa ikalawang quarter ng kasalukuyang taon.
Samantala, magpapatuloy naman ang ginagawang intensive focused military operations ng mga kasundaluhan sa kanilang mga nasasakupan upang masiguro na protektado ang mga residente mula sa karahasan ng mga komunista.
Umabot naman sa mahigit 100 barangay ang nalinis mula sa impluwensya at presensya ng makakaliwang grupo sa kabila ng pagtutulungan ng command at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng whole-of-nation approach.
Kinilala naman ng heneral ang pagsusumikap ng tropa ng pamahalaan at mga ahensya upang makamit ang tuloy-tuloy na kapayapaan.
Hinimok naman nito na hindi pa huli ang lahat para sa ibang miyembro na magbalik-loob sa pamahalaan at mapasailalim sa programa ng gobyerno.