PNP, muling tiniyak ang kaligtasan ng mga mamamahayag

Kasunod ng panibagong insidente ng pagpatay sa isang kagawad ng media.

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad at kaligatasan ng mga mamamahayag.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., prayoridad nila ang kaligtasan ng mga media dahil katuwang ng Pambansang Pulisya ang mga ito sa paglalabas ng katotohanan sa publiko.


Kasunod nito, muling tiniyak ni Acorda na bukas ang kanyang linya ng komunikasyon sa sinumang media personality na nakakatanggap nang pagbabanta sa kanyang buhay.

Una nang itinatag ang Task Force Media Security na layong masiguro ang kaligtasan ng mga kasapi ng media na posibleng maging target ng karahasan.

Nabatid na sa ilalim pa lamang ng Marcos administration 4 na mamamahayag na ang pinaslang na kinabibilangan nina Rey Blanco, Percival “Percy Lapid” Mabasa, Cresenciano Bunduquin at si Juan Jumalon na brutal na pinatay kamakalawa sa Calamba, Misamis Occidental.

Facebook Comments