5th ID, may paglilinaw sa akusasyon ng ‘Danggayan Cagayan Valley’

*Cauayan City, Isabela*- Nilinaw ng pamunuan ng 5th Infantry Star Division ng Philippine Army ang ibinabatong akusasyon ng grupo ng ‘Danggayan Cagayan Valley’ laban sa kasundaluhan kaugnay sa karapatang pantao.

Ayon kay Division Public Affairs Office Army Major Noriel Tayaban, ito ay hakbang lamang ng nasabing grupo para ilihis ang kanilang maling gawain at maibaling sa tropa ng kasundaluhan ang maling akusasyon.

Ayon sa naunang pahayag ng nasabing grupo, inaakusahan si Tayaban dahil sa hindi nito masagot ang ipinupukol sa kanya kaugnay sa mga reklamo ng mga residente dahil umano sa mapang abusong hakbang ng militar.


Batay din sa nakarating na impormasyon sa grupo ay inaakusahan ang pamunuan ng 17th IB PA at pulisya dahil umano sa abusadong ginagawa para sa karapatang pantao ng mga residente sa Sitio Lagom, Brgy Lipatan sa Sto. Nino Cagayan.

Hinikayat naman ni Tayaban ang publiko na hindi kinakailangan na matakot sa presensya ng militar dahil ang mga ito aniya ang higit na poprotekta sa kapakanan ng tao taliwas sa ibinabatong maling pag aakusa sa tropa ng kasundaluhan.

Facebook Comments