5TH ID, PA, NAKAALERTO SA KABILA NG SOMO

Cauayan City, Isabela – Sa kabila ng pinaiiral na Suspension of Military Operation o SOMO ay nakaalerto pa rin ang mga miyembro ng 5ID PA na naka-base sa Camp Melchor F.dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.
Bagamat ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceasefire hanggang January 7 sa susunod na taon, patuloy pa rin ang pagbabantay at nakaalerto ang hanay ng kasundaluhan na maaring pagsasamantala ng mga New Peoples Army o NPA.
Ayon sa kasundaluhan, suspendido lamang ang pag-atake sa mga kampo ng NPA pero patuloy pa rin ang pagbabantay sa kampo, sa mga mamamayan kontra sa mga pangingikil, pananakot, at anumang iligal na gawain ng mga rebeldeng grupo.
Anila, mahirap paniwalaan at may mga insidenteng makapagsasabing hindi sumusunod ang mga NPA kung kaya’t nananatiling nakaalerto ang mga sundalo.
Kaalinsabay nito, nanawagan ang kasundaluhan na magbalik loob na lamang ang mga nasa kabundukan lalot ngayong holiday season para makapiling ang kanilang mahal sa buhay.

Facebook Comments