BABAENG GALING CHRISTMAS PARTY, PATAY MATAPOS MAGULUNGAN NG SASAKYAN SA ULO.

Cauayan City – Mula sa masayang Christmas party ay nagtapos sa trahedya ang buhay ng isang babae matapos mahulog sa pampasaherong tricycle at magulongan ng sumusunod na Toyota Hiace.

Hindi na naisalba ng mga doctor ng isang pribadong pagamutan ang buhay ni Kris Ann Bautista, 27 taong gulang dahil sa tindi ng tinamong pinsala sa pagkakagulong nito. Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan, galing sa isang party si Bautista at sakay ng pampasaherong tricycle pauwi sa kanilang tahanan dakong alas 7 kagabi. Ang biktima ay nakasakay sa bandang likuran ng tricycle at dala ng impluwensiya ng nakalalasing na inumin, na out balance umano ito at nahulog habang binabagtas ang kahabaan ng pambansang lansangan sakop ng Brgy District 2, Cauayan City.

Sa kanyang pagkakahulog, aksidenteng nagulungan ang kanyang ulo ng sumusunod na Toyota Hi ace na may plakang ABZ 3402 na minamaneho ni Patricio Bariuad, 57, at residente ng Brgy. Minanga, Tumauini, Isabela.


Nilalamayan ngayon ang biktima sa kanilang tahanan sa Brgy. District 1, Cauayan city habang ang suspek ay nasa kustodiya ng PNP Cauayan. Inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa kasong Reckless Imprudence resulting to homicide. Nakatakda siyang sampahan ng kaso ngayong araw sa pamamagitan ng inquest proceeding.

Facebook Comments