5th Infantry Division, Nakiisa sa “Takbo para sa Kapayapaan”

111

Cauayan City, Isabela- Nakiisa ang buong pamunuan ng 5th Infantry ‘Star’ Division sa sabayang pagdiriwang ng 8th Heroes Run 2019 na may temang “Takbo para sa Kapayapaan” na ginanap sa Camp Melchor F. dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Ganap na alas 5:00 kaninang umaga, Nov. 24, 2019 nang simulan ang nasabing aktibidad na nilahukan ng nasa 1,367 na indibidwal mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at mga boluntaryong sibilyan.


Ang heroes run ay taunang isinasagawa sa bansa na inorganisa ng Philippine Military Academy Alumni Association Incorporation (PMAAI) Philippine Army Chapter na layong matulungan ang pamilya ng mga nasugatan at nasawing sundalo na nagbuwis buhay sa pakikidigma laban sa mga terorista.

Facebook Comments