Pamamaril sa Mag-live in Partner, Dahil Umano sa Pagnanasa?

Cauayan City, Isabela- Pagnanasa ang nakikitang motibo ng pulisya sa pamamaril sa mag-live in partner sa Brgy. Marcos, Roxas, Isabela.

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Antonio Sabado, imbestigador ng PNP Roxas, batay aniya sa kwento ng sugatang biktima na si Armando Santos, 43 anyos, magsasaka at residente ng Brgy Marcos, Roxas, Isabela, matagal na umanong may pagnanasa ang kanilang among suspek na si George Binuyat, resident of Brgy Munoz West, Roxas, Isabela sa kanyang kinakasama na si Amilyn Castaneda, 37 anyos na tubong Mallig, Isabela.

Nakikisaka lamang umano ang mga ito sa lupain ng suspek at ilang beses na rin tinangkang pasukin ng suspek ang kwarto ni Amilyn.


Dagdag pa ni PCMS Sabado, posibleng si Santos lamang ang puntirya ni Binuyat subalit iniharang lamang umano ang sarili ni Amilyn upang hindi mabaril si Santos.

Magugunita na ganap 8:15 kagabi ay pinagbabaril ang mag-live in partner na ikinasawi ni Amilyn habang silaā€™y pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Marcos, Roxas, Isabela.

Pinaghahanap pa rin ang suspek na tumakas matapos ang krimen at siyaā€™y nahaharap sa kasong Murder at Frustrated Murder.

Facebook Comments