5th Infantry Division PA, Nakahanda sa Anibersaryo ng CPP-NPA-NDF!

Cauayan City, Isabela – Nakahanda na ang pamunuan ng 5th Infantry Division sa buong lambak ng Cagayan, isang linggo na bago ang pagdiriwang ng CPP-NPA-NDF ngayong araw (December 26) ng kanilang ika-50 taong anibersaryo.

Sa pahayag ni Major Jefferson Somera ng 5th Infantry Division, Philippine Army nitong nakaraang buwan ng Nobyembre ay sunud-sunod na umano ang kanilang ginawang operasyon upang matulungan ang mga tao sa kanayunan na maging tahimik ang kanilang buhay.

Nakakalungkot aniya na mayroong organisasyon na kailangang pumatay, gumawa ng extortion, pananakot at iba pa para may dahilan lamang na ipagdiwang ang kanilang anibersaryo.


Matatandaan na hinaras ng New People’s Army ang Detachment ng Cafgu kamakailan sa Lower Uma, Lubuagan Kalinga kung saan ay isa ang patay at tatlo ang malubhang nasugatang Civilian Volunter na miyembro ng Cafgu.

Sinabi pa ni Major Somera na nagiging tradisyon na umano ng CPP-NPA na manghingi sa mga tao sa kanayunan ng pera, kagamitan at pagkain para lamang sa kanilang anibersaryo kung saan ay napigilan naman ito ng militar sa lalawigan ng Ifugao kamakailan na nakubkob ang kampo ng mga NPA.

Aniya, ang mga ginagawa ng NPA sa mga kanayunan ay base rin sa mga sumbong na nakakarating sa 5th ID at ito ay patunay lamang umano na pagod at sawa na ang mga tao sa mga liblib na lugar sa mga maling gawain ng mga makakaliwang grupo.

Facebook Comments