Manila, Philippines – Posibleng bumaba sa 6.3 percent ang inflation rate sa buwan ng Nobyembre.
Base ito sa inilabas na economic bulletin ng Department of Finance (DOF).
Mas mababa ito kumpara sa 6.7 percent na naitala noong Oktubre na pinakamabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa loob ng siyam na taon mula nang maitala ang 7.2 inflation rate noong February 2009.
Ayon sa DOF, ang bahagyang pagbaba sa inflation rate ay bunga ng pagbaba ng presyo ng pagkain at non-food commodities.
Habang ang taas-singil sa kuryente ngayong buwan ay nahahatak naman ng rollback sa presyo ng langis at LPG.
Nasa 14 percent umano ang ibinaba ng presyo ng langis sa Dubai mula sa 79-dollars per barrel noong Oktubre na bumaba sa 68-dollars per barrel nitong Nobyembre.
Noong nakaraang linggo, nauna nang naglabas ng forecast ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung saan nakikita nitong maglalaro sa 5.8 hanggang 6.6 percent ang inaasahang November inflation rate.