Mahigit sa 6.5 milyong Pilipino na nasa balag ng krisis ang nabiyayaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program noong nakaraang taon.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, lagpas sa annual total target ng ahensya na 1,691,869 beneficiaries ang nahatiran ng tulong simula Enero hanggang Disyembre nitong nakaraang taon.
Ayon pa sa opisyal, karamihan sa nahatirang tulong sa ilalim ng AICS program ng DSWD ay mula sa CALABARZON region na may kabuuang bilang na 870,000 individuals.
Mahigit naman sa 314,700 individuals ang nakatanggap ng serbisyo sa iba’t ibang Malasakit Centers sa bansa.
Ang Malasakit Center ay isang one-stop-shop na maaaring lapitan sa iba’t ibang pampublikong ospital sa bansa.