6.8 Million Pesos halaga ng Shabu nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon ng PDEA BARMM

Abot sa 6.8 Million Pesos na halaga ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ng PDEA sa Cotabato City at Pigcawayan North Cotabato.

Unang isinagawa ang operasyon sa parking lot ng Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City umaga ng sabado. Kinilala ang mga naaresto na sina Norma at Mogia Medsil kapwa residente ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao

Nakumpiska sa mga ito ang isang bag na naglalaman ng ten (10) pcs heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu at tinatayang nagtitimbang ng 500 grams at may street value na 3.4 Million .


Nakumpiska rin sa magkapatid na suspek ang 750 thousand pesos na buy bust money.

Samantala arestado rin ang isang High Value Target sa operasyon sa South Manuangan sa Pigcawayan North Cotabato pasado alas sais ng gabi noong sabado

Kinilala ang naarestong suspect na si Nards Adtis.

Nakumpiska sa suspect ang 10 pirasong sachet ng shabu na may timbang ng 500 grams at may street value na 3.4 Million pesos.

Sinasabing matagal ng minamatygan ng mga otoridad ang suspek.
Kapwa himas rehas na sa lock up cell ng PDEA BARMM ang mga naaresto.

Samantala sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, patay ang dalawang Drug Suspect matapos manlaban sa mga operatiba . Kinilala ni DOS MPS COP Major Erwin Tabora ang mga nasawi na sina Ian Amando 32 anyos, at isang alyas Ton Ton 26. Sinasabing pabalik pabalik na rin sa bilangguan ang mga nasawing indibidwal dahil sa ibat ibang mga kaso.

Facebook Comments