LINCOLNSHIRE, England – Labis ang galit ng inang si Rebecca Allison matapos silang hindi pasakayin ng isang bus driver habang kasama niya ang anak na baldado dahil maaari raw na may naka-wheelchar din na pasaherong nag-aabang sa kabilang kanto.
Nangyari ang insidente noong Disyembre 7, nakaraang taon nang pauwi na sana ang ginang kasama ang anak na si Jacob matapos nilang bisitahin ang pagsindihan ng kandila ang kanyang tatlong mga anak na namatay nang siya ay makunan.
Kwento ni Rebecca, nasa istasyon siya ng bus nang mga oras na iyon at nag-aabang ng masasakyan pauwi dahil aniya, takot si Jacob na abutan ng dilim.
“We just wanted to get the children home. Jacob is scared of the dark and although it wasn’t night time, he thought it was because it was already dark,” aniya.
Sabi raw sa kanya ng bus driver, sa iba na lang sila sumakay dahil maaaring may iba pang naka-wheel chair na nag-aabang sa susunod na kanto.
“He said another wheelchair user could have been waiting for his bus around the corner and because of this, he wouldn’t let us on,” saad niya.
Pakiramdam niya ay nagkaroon ng diskriminasyon sa kanyang anak na mayroong epilepsy.
“I could tell he was upset by this because he was really quiet. This was disgusting behaviour by this bus driver,” giit niya.
Samantala, pinag-aaralan pa ang CCTV footage ng buong pangyayari.