6-anyos na lalaki, kritikal matapos atakihin ng buwaya sa Mexico

508
(Getty Image)

MEXICO – Kritikal ngayon ang isang 6-anyos na lalaki matapos atakihin ng buwaya na may 3 metrong haba malapit sa El Palmar Beach sa Ixtapa, Mexico.

Sa report ng Mexico News Daily, magkasamang nagtungo noong Martes sa kalapit na bunganga ng ilog ang biktima at ang kapatid nitong babae.


Naiulat na may bakod ang naturang lugar dahil kilala itong hotspot ng mga buwaya.

Ayon sa mga nakasaksi, hinila sa ulo ng mabangis na hayop ang bata saka dinala sa ilalim ng tubig na tumagal umano ng nasa 10 minuto.

Para mapalayo ang buwaya, sumaklolo ang mga turista at lifeguard na nasa lugar.

Kanya-kanya sila ng bato para bitawan nito ang kawawang paslit.




Matapos ang ilang minuto ay naisalba ang biktima na nagtamo ng mga kagat sa ulo, kamay at buong katawan.

Isang hotel medical staff ang dumating para maisugod ang bata sa General Hospital at agad maipagamot.

Samantala, maraming buwaya sa naturang lugar dahil pinakakain ito ng mga staff para ma-entertain ang mga turista.

Facebook Comments