Dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos Sr. at asawa nito, nagpositibo sa COVID-19

Courtesy: Mayor Menchie Abalos FB

Kinumpirma ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na nagpositibo sa COVID-19 si dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos Sr. at ang kaniyang asawa na si Cora.

Sa ngayon ay naka-isolate na ang dalawa sa isang ospital dito sa Metro Manila.

Kinumpirma rin ni Mayor Abalos na naka-home quarantine siya ngayon matapos na magkaroon ng direct exposure sa mag-asawa.


Humingi naman ng dasal sa publiko ang pamilya Abalos para sa mabilis na paggaling ng dating opisyal at asawa nito.

Facebook Comments