6 Barangay sa Luna, Naidagdag sa kaso ng African Swine Fever

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan na naman ang mga baboy na isasailalim sa culling o pagpatay matapos magpositibo ang ilang alagang baboy sa sakit na African Swine Fever sa Bayan ng Luna, Isabela ngayong araw.

Ayon kay Mayor Jaime Atayde, pumalo na sa mahigit 600 baboy ang posibleng isailalim sa culling dahil sa kalat na ang sakit na ASF sa kanilang bayan.

Ayon pa sa alkalde, nadagdagan ang barangay na tinamaan ng ASF na kinabibilangan ng Brgy. Bustamante, Centro 3, Sto. Domingo, San isidro, Macugay, at Pulay.


Giit pa nito, maraming backyard hograisers ang apektado ng nasbaing sakit ng baboy kung ikukumpara sa mga nagmamay-ari ng mga industrial/commercial na babuyan.

Paliwanag pa ng opisyal, ‘out of control’ o hindi na mapigilan ang pagkalat ng ASF sa kanilang bayan batay sa ginawang assessment ng Municipal Agricuture Office (MAO).

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang Lokal na Pamahalaan ng Luna sa Department of Agriculture (DA) para sa tulong ng mga apektadong magsasaka.

Facebook Comments