6 Bayan sa Cagayan Province, COVID-19 Free

Cauayan City,Isabela- Umabot na sa anim (6) bayan sa lalawigan ng Cagayan ang COVID-19 Free batay sa datos na inilabas ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO).

Kabilang rito ang mga bayan ng Calayan, Camalaniugan,Iguig, Rizal,Sta. Teresita, at Sto. NiƱo.

Gayunman, nanguna pa rin ang Tuguegarao City sa may mataas na aktibong kaso na pumalo sa 44, sinundan ng bayan ng Baggao na may 19 na pawang mga lugar sa probinsya na nakapagtala ng mataas na bilang ng mga tinamaan ng virus sa mga nakalipas na buwan.


Samantala, nananatili na lang sa tig-isang kaso ang mayroon ang mga bayan ng Aparri, Enrile at Sanchez Mira.

Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 148 ang aktibong kaso sa Cagayan matapos madagdagan ng walong kumpirmadong tinamaan habang 10 ang naitalang gumaling.

Mahigit 2,000 naman ang kabuuang bilang ng binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa probinsya.

Muli namang ipinanawagan sa mga Cagayan ang pagpapanatili sa pagsunod sa health protocol.

Facebook Comments