6 bilyong halaga ng iligal na droga, sinunog ng PDEA sa Cavite

Cavite – Nasa anim na bilyong pisong halaga ng iligal na droga ang sinunog ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa Trese Martirez, Cavite.

May timbang na 952.69 kilograms ang mga sinunog na droga.

Ayon kay PDEA Director Gen. Aaron Aquino – isinapubliko nila ang pagsusunog para hindi isipin ng publiko na nire-recycle at ibinabalik sa bentahan ang mga droga.


Karamihan sa mga sinunog ay mga shabu na nasabat sa kanilang mga operasyon.

Facebook Comments