Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura, maligaya sa SGLG award; Mga kawani at mamamayan pinasalamatan!

Nagagalak si Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura na napabilang ang kanilang bayan sa 19 na LGUs sa ARMM na nakasungkit ng Seal of Good Local Governnace at Good House Financial Housekeeping para sa taong 2017.
Ayon sa alkalde isa itong malaking karangalan para sa kanilang bayan. Ibig sabihin lamang anya nito na umiiral ang transparency at mabuting pamamahala sa Sultan Kudarat.
Pinasalamatan naman ni Mayor Matura ang barangay at municipal officials, heads of offices, line agencies at ang buong kinasasakupan nito dahil sa suporta sa kanyang liderato at sa patuloy na pagtitiwala.
Sumisimbolo anya ng integridad ang SGLG kaya naman higit sa makukuhang insentibo mula sa DILG ay mas nagpapasaya sa alkalde ang selyo ng mabuti at mahusay na pamamahala.

Facebook Comments