6 Chinese National, arestado sa pagdukot sa kapwa Chinese

51

Arestado ang anim na chinese nationals sa Calamba, Laguna dahil sa pagdukot sa kapwa chinese.

Kinilala ang anim na sina Xin Wang, Sun Qing Ji, Hong Zhong ah, Yan Ben, Zhao Da Hai, at Si Cuan.

Nailigtas naman ang biktima na sinasabing dinukot ng mga suspek sa Makati noong february 27 at dinala sa isang resort sa barangay Pansol.

Ayon sa Laguna police, miyembro ng isang loan shark syndicate sa China ang mga suspek na nagpapautang sa mga Chinese tourist para mag-casino.

Ang modus kapag nanalo ang biktima, kukunin ito ng mga suspek o kaya ay pipilitim pa rin siyang maglaro nang may interes.

Kung hindi makapaglaro nang may interes, dito na dudukutin ang turista saka tatawagan ang mga kaanak nito para humingi ng ransom.
Ite-turn over sa calamba police ang mga suspek para sa proper disposition at imbestigasyon.

Facebook Comments