Mga magulang dapat bantayan ang kanilang mga anak sa kumakalat na MOMO challenge ayon sa NBI.

151

Nababahala na ang pamunuan ng National Bureau of Investigation sa mga kumakalat sa Social Media na momo challenge.

Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Maynila sinabi ni Chief ng NBI Public Information Officer Nick Suarez na bantayan ang mga anak dahil sa kumakalat sa Social Media ang momo challenge.


Paliwanag ni Suarez na aminado siyang napakahirap na matukoy ang mga nasa likod ng momo challenge dahil sa dami ng mga nagsisipaglabasan sa Social Media.

Dagdag pa ni Suarez na mayroon dalawang bata ang dumulog sa NBI para isangguni ang kanilang mga problema tungkol sa momo challenge sa Social Media na kanilang na-engcounter.

Facebook Comments

From Advertisers