6-game winning streak ng Blazers, tinuldukan na ng Timberwolves

24

NBA- Tinuldukan na ng Minnesota Timberwolves ang 6-game winning streak ng Portland Trail Blazers sa katatapos lang na paghaharap ng dalawa sa NBA regular season.

Dahil sa isang puntos na lamang ng Wolves (110-109), pansamantalang nadiskaril ang pagnanais ng Blazers na makuha kaagad ang number 8 spot sa Western Conference.

Nanguna sa panalo ng team si Karl Anthony Towns na may 34 points at 12 rebounds.

Sa ngayon, may pag-asa pang sumabit ang Blazers hawak ang record na 38-39 win/loss kaya naman mas mainit na bakbakan sa mga bigating karibal ang kanilang haharapin tulad ng San Antonio Spurs, Utah Jazz at isa pang laro laban sa Minnesota.

Facebook Comments