Medical-dental mission, isasagawa ng Alpha Phi Omega at Ternate Central Elementary School batch 91 sa Patio Roman Catholic Church sa Ternate, Cavite

Manila, Philippines – Isang medical-dental mission ang isasagawa ng Alpha Phi Omega at ng Ternate Central Elementary School batch 91 sa Sabado, April 8, 2017.

Gaganapin ito sa ganap na alas 8:00 nang umaga hanggang alas 5:00 nang hapon sa Patio Roman Catholic Church sa barangay 1 Ternate, Cavite.

Sa nasabing proyekto, 400 pasyente ang target na matulungan, bata man o matanda.


Kaya naman hinihikayat ng grupo ang lahat na makiisa sa kanilang kauna-unahang medical-dental mission.

Facebook Comments