6 INDIBIDWAL, BIKTIMA NG BOGA SA REHIYON DOS

CAUAYAN CITY – Anim na kaso ng fireworks-related injury ang naitala ng Department of Health (DOH) Cagayan Valley mula Disyembre 21-22, 2024, sa Lambak ng Cagayan.

Batay sa ulat ng DOH, ang lahat ng insidente ay dulot ng paggamit ng “boga”, isang improvised na paputok kung saan apat sa mga biktima ay nagtamo ng paso at eye injury.

Sa kabila nito, positibong walang naitalang kaso ng fireworks ingestion o stray bullet injury sa rehiyon.


Bilang hakbang sa pag-iwas sa disgrasya, mariing pinaaalalahanan ng DOH ang mga residente na umiwas sa paggamit ng paputok, lalo na ng mga ilegal at mapanganib gaya ng boga.

Hinihikayat din ang lahat na manood na lamang ng mga fireworks display sa kani-kanilang lugar, na mas ligtas at organisado, bilang alternatibo sa pagpapaputok sa bahay.

Ang paalalang ito ay bahagi ng kampanya ng DOH para sa isang ligtas at mapayapang pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Facebook Comments