6 KABABAIHAN, HULI SA PAGSUSUGAL

Cauayan City, Isabela- Muling nakaiskor ang kapulisan matapos makaaresto ng anim na kababaihan na sangkot sa pagsusugal sa Brgy. Gulac, Diffun, Quirino.

Sa ikinasang Anti-Illegal Gambling operation ng pinagsamang pwersa ng Diffun Police Station sa pangunguna ng hepe na si PMaj Juanito D Balite Jr at Quirino Provincial Intelligence Unit (QPIU), matagumpay na nadakip ang anim na mga suspek na pawang mga babae, nasa hustong gulang at residente ng barangay Gulac.

Naispatan ang mga ito ng kapulisan na naglalaro ng ‘BINGO’ pasado alas kwatro ng hapon nitong Sabado, June 25, 2022.

Nakumpiska sa lugar ang mga ebidensya na kinabibilangan ng 40 pirasong BINGO cards, 27 piraso ng BINGO Bulletin at bet money na nagkakahalaga sa kabuuang P2,000.00.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 o “Illegal Gambling” ang anim na naaresto.

Facebook Comments