*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga awtoridad ang anim (6) na katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa rehiyon dos.
Kinilala ang naaresto na si Reymundo Foronda alyas Rey and Ambong, 48 anyos, Top 8 Municipal Level sa kasong Acts of Lasciviousness, may asawa, isang magsasaka habang inaresto din ang iba pa na kinilalang sina Jomar Sagaysay, 38 anyos, may asawa, isang construction worker at residente ng Brgy. Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya para sa kasong Less Serious Physical Injuries; Ma. Olga Mandac, 58 anyos, may asawa, kapitan ng barangay Pinaripad Norte, Aglipay, Quirino para naman sa kasong Perjury; Ma. Theresa Buenaventura, 52 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Rizal, Roxas, Isabela para sa kasong RIR in Damage to Property.
Maliban ditto, inaresto din si Bryan Guntalilib, 38 anyos, may asawa, isang driver at residente ng Brgy. San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya at si Napoleon Aguid alyas Luis Molina, 52 anyos, may asawa, isang construction worker at residente ng Brgy. Magsaysay, bayombong, Nueva Vizcaya na kapwa nahaharap sa kasong RA 9262.
Pinuri naman ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ang pulisya sa tagumpay ng operasyon.
* tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, *Regional Director PBGen. Angelito Casimiro, PRO2, Cauayan City, Luzon