6 Katao sa Isabela, Timbog sa Pagsusugal

116

Cauayan City, Isabela- Arestado ang anim (6) na indibidwal matapos maaktuhang nagsusugal sa Brgy Mallabo, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang mga nahuli na sina Antonio Mallasab, 65 taong gulang, magsasaka; Luz Zipagan, 60 taong gulang, housewife; Chita Camonayan, 54 taong gulang, housewife; Freddie Laggui, 49 taong gulang, walang asawa; Jomar Turingan, 55 taong gulang, laborer at Atilano Balingao, 62 taong gulang na pawang mga residente ng Barangay Mallabo, San Mariano, Isabela.


Una rito nagsagawa ng anti illegal gambling operation ang PNP San Mariano sa pangunguna ni PLt Julius Telan na nagresulta sa pagkakahuli ng mga suspek na naabutang nagkukumpulan habang naglalaro ng ‘Tong-its’.

Nakumpiska sa lugar ang dalawang (2) lamesa, anim (6) na upuan, dalawang (2) set ng baraha, at cash na nagkakahalaga ng Php1,610.00.

Unang dinala sa ospital ang mga suspek para sa medical examination bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments