Javi Benitez, ipinagtanggol ang girlfriend na si Sue Ramirez sa mga tumatawag rito bilang “starlet” at “kabit”

548

Ipinagtanggol ni Javi Benitez ang girlfriend na si Sue Ramirez laban sa mga netizen na negatibong nag-uugnay sa pangalan nito sa isang blind item ng isang showbiz portal.

Giit ng mga basher, si Sue ang nasa blint item na kabit daw ng aktor na si Ian Veneracion.


Isa pang netizen ang nagtag kay Javi kung saan inuungkat ng basher kung kamusta raw ang secret relationship ni Sue kay Ian.

Bagama’t no comment lang dito si Sue, hindi naman ito pinalampas ni Javi at agad na dinepensahan ang nobya sa pagsasabing hindi raw ganung klaseng babae si Sue at hindi rin daw starlet ang kanyang nobya.

Pakiusap nito sa mga basher, mali ang kanila hula kaya tigilan na nila ito.

Facebook Comments