6 KATAO SA MANAOAG, ARESTADO SA MAGKAKASUNOD NA KASO NG PAGLABAG SA ANTI-GAMBLING LAW

Umabot sa anim na katao ang naaresto ng Manaoag Municipal Police Station sa magkakahiwalay ngunit sunod-sunod na operasyon kahapon na may kinalaman sa paglabag sa Anti-Gambling Law (PD 1602).

Ayon sa pulisya, ang lahat ng inaresto ay pawang mga residente ng Manaoag at may nakabinbing Warrant of Arrest na may nakalaang ₱5,000 na piyansa bawat isa.

Unang naaresto bandang 9:20 AM ang isang 42-anyos na lalaki at sinundan ito ng isa pang 48-anyos na construction worker makalipas ang ilang minuto.

Hindi nagtagal, isang 68-anyos na jobless na babae naman ang nadakip, kasunod ng pagkakahuli sa isang 30-anyos na babae.

Sa parehong bayan, isang 54-anyos na lalaking tindero at 22-anyos na babae rin ang inaresto pagsapit ng hapon.

Lahat ng suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Manaoag MPS. Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office, ang magkakasunod na operasyon ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya kontra ilegal na sugal sa bayan.

Facebook Comments