6 KATAO, TIMBOG SA TONG-ITS

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga otoridad ang anim (6) na indibidwal matapos maaktuhang nagsusugal sa Lungsod ng Santiago.

Sa pamamagitan ng ikinasang anti-illegal gambling operation ng pinagsanib na pwersa ng mga alagad ng batas ay nahuli sa aktong nagto tong it’s sina Kristine Soltero Mariwat, 29 taong gulang, walang asawa at Jovani Ulnagan Santos, 33 taong gulang, may asawa, pawang walang mga trabaho, Susan Soltero Domingo, 50 years old, may Asawa, LGU employee; Irene Mariwat Valdez, 30 years old, walang trabaho, Analiza Lantano Guiraldo, 33 taong gulang, may asawa at si Auto Villanueva Ocampo, 68 taong gulang, may asawa na pawang mga nakatira sa Baybid St. Purok 4, Rizal, Santiago City.

Dinakip ang mga suspek sa pangunguna ni PLt Jeffrey Viloria, Deputy Station Commander Santiago Police Station 2 at ng 4th Platoon patrol base na nakabase sa Brgy. Rizal at ng Mobile Force Company.

Nakumpiska sa lugar ang bet money na P914 mula sa table A, P235 sa table B at mga playing cards.

Agad na dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at sila’y nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-illegal Gambling law.


Facebook Comments