ISANG LALAKING WANTED SA LUNGSOD NG ILAGAN, NADAKIP SA CHECKPOINT

Cauayan City, Isabela- Hindi na nakapalag pa ang lalaking wanted sa Lungsod ng Ilagan matapos maaresto sa nakatalagang COMELEC Checkpoint sa Brgy. Alibagu, Lungsod ng Ilagan.

Kinilala ang suspek na si Marvin Gallo, 24-anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Baligatan sa nasabing lungsod.

Kaagad inalerto ang mga kapulisan na nakaduty sa nasabing checkpoint matapos makatanggap ng impormasyon na patungo ang naturang suspek sa hilagang direksyon palabas ng lungsod sakay ng isang tricycle upang tumakas sa batas.

Nakumpirma ang pagkakakilanlan ng suspek kaya’t wala na itong nagawa nang dakpin ng mga awtoridad.

Mayroong nakahaing Warrant of Arrest laban sa suspek sa kasong Attempted Homicide na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng 36,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments