Anim katao sa South Korea ang napaulat na nakiisa sa blood donation drive ilang linggo bago mapag-alamang positibo sa 2019-novel coronavirus, ayon sa KBS.
Isa umano rito ang opisyal mula sa Daegu, lugar na pinaka apektado ng COVID-19 sa naturang bansa, na nag-donate ng dugo noong Pebrero 13.
Nagsimulang makaramdam ng sintomas ang pasyente matapos ang donation drive at nasuring positibo sa COVID-19, higit isang linggo makalipas, Pebrero 23, ayon sa Global Times.
Bagaman binawi na ang donasyong dugo ng mga pasyente, kalahati umano nito ay naisalin na sa siyam na indibidwal.
Sa ngayon, Marso 11, nasa 7,755 na ang naitalang tinamaan ng COVID-19 sa nasabing bansa, ayon sa Korea Centers for Disease Control and Prevention (KCDC).
Facebook Comments