6-linggong gulang na kambal, kritikal matapos bumisita sa tatay

7515

Nagtamo ng ilang baling mga buto at pagdurugo sa utak ang 6-linggong gulang na kambal makaraang manggaling sa bahay ng kanilang tatay sa US.

Kuwento ng nanay ng mga sanggol sa pulisya, dinala niya ang mga anak sa dati niyang asawa para manatili nang isang gabi sa bahay nito sa Bronx.


Kinabukasan nang makabalik na sa kanilang bahay sa New Jersey, napansin niyang matamlay ang kambal na babae at lalaki.

Dinala sa Hackensack Memorial Hospital, Miyerkules ng gabi ang dalawa at nadiskubreng may bali ang kanilang mga binti at may tama sa ulo.

Seryoso ang lagay ng sanggol na lalaki at maaari umanong hindi makaligtas, ayon sa ulat ng CBS2.

Inaresto nitong Biyernes ang ama ng kambal at patuloy pa ring kinukuwestiyon ng pulisya ang ina.



Facebook Comments