PAGKAKAHULI SA DALAWANG NPA, INALMAHAN NG DANGGAYAN CV!

259

Cauayan City, Isabela – Inalmahan ng isang grupo ng mga magsasaka ang pagkakahuli sa dalawang itinuturing na high rangking NPA leaders.

 

Ayon sa pahayag ng Danggayan Cagayan Valley, pang rehiyon na balangay ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sina Reynaldo Busania alyas Rey at ang Live in Partner nitong si Sharon Malubay ay mga lehitimong magsasaka at hindi matataas na pinuno ng NPA.


 

Sina Busania at Malubay ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng PNP Diffun, 86th Infantry Battalion, 502nd Brigade, at CIDG dahil umano si patong patung patong na kaso ng frustrated murder at iba pa.

 

Sa inilabas na pahayag ng 86th IB si Busania ay team leader ng Northern Front at pinuno ng Communication Regional Department samantalang ang live in partner nitong si Malubay ay Medical Officer ng Northern Front ng Kilusang Rehiyon.

 

Giit pa ng grupo ng Danggyan Cagayan Valley, pawang mga gawa gawa lamang ang mga kasong isinampa sa dalawa. Bahagi lamang umano ito ng desperadong hangarin ng gobyernong lipulin ang mga organisasyon at indibidwal na kritikal sa pamahalaan.

Attachments area



Facebook Comments