6-linggong gulang na sanggol sa US, patay sa coronavirus

359

Isang anim na linggong gulang na sanggol ang pumanaw sa komplikasyong may kinalaman sa COVID-19, ayon sa gobernador ng Connecticut, US, nitong Miyerkules.

Sinabi ni Governor Ned Lamont sa Twitter, na dinala ang sanggol sa ospital na walang malay at hindi na ma-revive.


“Testing confirmed last night that the newborn was Covid-19 positive,” ani Lamont.

“This is absolutely heartbreaking. We believe this is one of the youngest lives lost anywhere due to complications relating to Covid-19,” dagdag ng opisyal.

Noong nakaraang linggo, isang 9-buwan gulang naman ang naiulat ng awtoridad sa Illinois na nagpositibo sa coronavirus.

Lagpas 6,000 na ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa United States.



Facebook Comments