Cotabateño survivor mula COVID 19

Isa pang CotabateƱo na nagpositive sa Corona Virus Disease ang naidischarge na rin sa Cotabato Regional and Medical Center.
Sa impormasyon mula Department of Health Region 12, sinasabing nakalabas na sa ospital kahapon si PH 2235, isang 52 anyos na lalaki na may travel history mula Pampanga at Davao City. Dumating ito sa Cotabato City noong March 9 ngunit agad na nagtungo sa ospital.
Kaugnay nito, suma-total 3 ng mga CotabateƱo ang nakaligtas sa panganib matapos magpositibo sa COVID 19. Habang isa pang 46 year old na ginang na may travel history sa Davao City na nagpostibo sa karamdaman ang nasa CRMC pa rin.
Sa buong SOCSARGEN Region, ang Cotabato City ay may naitalang 4 na kaso, 2 sa Sultan Kudarat, at isa sa South Cotabato.
CRMC FB PIC

Facebook Comments