Cagayan Valley, Sumuko kahapon sa mga otoridad ang anim na miyembro ng New People’s Army(NPA) sa lambak ng Cagayan.
Sa ibinahaging impormasyon ni Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario Espino, boluntaryo umanong sumuko sina alyas JM at Lito na pawang nasa tamang edad at residente ng Brgy. Cabaruan, Maddela Quirino.
Isinuko rin ng dalawa ang M16 armalite, anim na piraso ng magazines ng M16 na may isang daan at anim (106) na bala ng M16, calibre 45, dalawang magazines ng calibre 45 at labing tatlong(13) bala ng calibre 45.
Sumuko sina JM at Lito matapos ang mahabang negosasyon na isinagawa nina Staff Sergeant Francie Alameda ng 502nd Brigade at PO3 Federico ng San Manuel Police Station kung saan ay dinala na sina MJ at Lito sa headquarters ng 502nd Brigade sa Soyung, Echague, Isabela.
Nagsurender rin ang apat na miyembro ng NPA sa Piat Cagayan na kinilalang sina alyas Oseph, Josh, Berto at Belong na pawang mga menor de edad kung saan ay sinabi umano ng mga ito na sila narecruit at nasanay na humawak ng baril sa Marag,Valley.
Napasuko naman umano ang mga menor de edad na kasapi ng NPA sa pamamagitan ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng militar.
Samantala, hinihikayat parin ni RD Espino ang lahat ng kasapi ng NPA na sumuko na lamang kasama ang kanilang mga armas upang makamit ang tahimik na buhay at mabigyan ng benipisyo mula sa pamahalaan.