6 na adik, arestado sa shabu pot session sa Novaliches

Novaliches – Huli sa akto ng mga otoridad ang anim na adik habang sumisinghot ng shabu sa Baluyot 1, Barangay Sauyo, Novaliches sa Quezon City.

Kanya-kanyang siksik sa ibat ibang sulok ng bahay ang mga suspek na kinilalang sina Christopher Meriones, 33 anyos; Jonar Palermo, 44 anyos; Romeo Monisa, 52 anyos; Norberto Meriones, 42 anyos; Edgar Joseph Gregorio, 38 anyos; at ang babaeng si Mary Ann Dela Cruz, 42 anyos.

Ayon kay QCPD station 4 commander Psupt. April Mark young, kabilang sa mga naaresto ay sumuko na rin sa oplan tokhang noong nakalipas na taon.


Ang pagkakasukol sa mga suspek ay kasunod ng natanggap na tip ng pulisya na isang grupo ng mga kalalakihan at babae ang nagpa-party sa paggamit ng shabu at nang respondehan ay naaktuhan ang anim na mga adik.

Bukod sa ibat-ibang shabu paraphernalia, mga nabuksan ng plastic na pinaglagyan ng droga, nasamsam din sa payat na payat ng mga adik ang 12 sachet ng shabu.

Facebook Comments