Pumalo na sa 79 na kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa San Juan City, batay sa pinakahuling tala City Health Office ng nasabing lungsod.
Mula noong alas-6:00 ng gabi ng March, 27, mayroon 73 na bilang ng kaso ng COVID-19 at nadagdagan ito ng anim kahapon pasado ala-una ng hapon.
Sakaparehong panahon, nadagdagan din ang bilang ng Persons Under Investigation (PUI) mula sa 125 tumaas ito sa 130.
Ganoon din ang bilang ng Persons Under Monitoring (PUM) na pumalo na sa 311, mula sa 262.
25 naman ang naka home quarantine at nananatili naman sa 10 ang nasawi sa nasabing lungsod ng dahil sa sakit na dulot ng virus.
Ang Barangays Greenhills pa rin ang may pinakamaraming kaso ng nasabing virus kung saan mayroon itong 19 positive COVID-19 na pasyente at sumunod naman ang West Crame na mayroon naman 15 individual na apektado ng virus.