Toll fee sa NLEX at SCTEX, libre na para sa mga medical workers

38

Libre na para sa mga medical frontliners ang toll fee sa NLEX at SCTEX bilang pasasalamat sa kanilang kabayanihan.

Sa abiso ng NLEX Corporation, kailangang ipakita ng mga ito ang kanilang Professional Identification Card (PRC) at kumuha ng toll-free RFID sticker.


Kaugnay nito, magpapatupad naman ang mga kompanya ng langis ng rollback sa kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong araw.

Sa abiso ng Caltex at Sea Oil, PHP2 ang bawas sa kada litro ng gasolina, PHP0.50 sa diesel at PHP1.95  sa kada litro ng kerosene.

Facebook Comments