6 na Bayan sa Cagayan, Lubog pa rin sa Baha!

Cauayan City, Isabela- Nananatiling lubog pa rin sa baha ang anim na bayan sa hilagang bahagi ng Cagayan dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan sa naturang Lalawigan.

Pansamantalang inilikas ng Local Government Unit (LGU) sa probinsya ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa Office of the Civil Defense Region 2, lubog sa baha ang mga bayan ng Pamplona, Allacapan, Santa Praxedes, Sanchez Mira at Claveria.


Sa Pamplona, 20 pamilya o higit 100 indibidwal ang dinala sa municipal gymnasium.

Nasa 119 pamilya o 459 indibidwal naman ang inilikas mula sa Santa Praxedes kung saan ay umabot na sa 3 ang biktima ng pagkalunod at dalawa lamang dito ang nasagip sa Barangay Mapula-pula, Claveria, Cagayan.

Kasalukuyan naman ang paghahanap sa 10-anyos na lalaki na kabilang sa tatlong nalunod.

Hindi na rin madaanan ang ilang mga tulay sa Baggao at Peñablanca dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog.

Kaugnay nito, pinaghahanap rin ng mga otoridad ang isang mangingisda na nawawala matapos mangisda na si Ariel Agustin, 31-anyos at residente sa Barangay Imurung, Baggao ng nasabing Lalawigan.

Samantala, walang pasok ang lahat ng antas sa pribado at pampublikong eskwelahan sa mga nabanggit na bayan.

Facebook Comments