6 na BIFF Sumuko

38

Anim na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa ilalim ni Kagi Karialan Faction ang nagbalik sa looob sa mga otoridad pasado ala una ngayong hapon.
Sinasabing kabilang sa mga sumuko ang isang nagpakilalang Deputy Brigade Commander at limang iba pa na nagmumula sa Area ng Liguasan ayon pa kay 6th ID DPAO Chief Cpt Arvin Encinas.
Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga high powered firearms na kinabibilangan ng Rocket Propelled Grenade Launchers, 2 Cal 50 Sniper Rifles, M14 Rifle, at Cal 30 Bolt Action Sniper Rifle.

Sa ngayon nasa 24 na mga BIFF na ang sumuko sa 6th ID dagdag pa ni Cpt. Encinas.
6th ID PIC

Facebook Comments