Lalaking Nanilip sa Kapwa Lalaki, Nasampahan na ng Kaso!

*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap ngayon sa kasong Unjust Vexation si Ignacio Manuel matapos silipan ang isang pharmacist sa loob ng isang CR sa isang mall dito sa Lungsod ng Cauayan.

Ito ay matapos pursigidong magsampa ng kaso ang biktima na si Marlon Mallillin, nasa tamang edad, isang pharmacist at residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PO2 Romnick Gombi, ang imbestigador ng PNP Cauayan City, nararapat lamang umano na magsampa ng kaso si Mallillin laban kay Ignacio dahil sa ginawa nitong pamboboso.


Bagamat nagpaliwanag ang suspek na hindi umano nito sinasadyang silipan si Cadauan subalit pursigido pa rin ang biktima na sampahan ito ng kaso.

Sinubukang makapanayam ng RMN Cauayan News ang biktima subalit tumanggi itong magpaunlak sa nasabing panayam.

Facebook Comments