6 na bigating teams at world champions Italy, tampok sa men’s Volleyball Nations League sa Manila Leg

Simula na nitong araw ang Manila leg ng men’s Volleyball Nations League 2023.

Anim sa walong top teams sa standings ang nasa Pilipinas para sa third competition week ng Preliminary Phase na gaganaping hanggang sa Linggo sa July 9 sa MOA Arena sa Pasay City.

Ang resulta ng banggaan sa Pilipinas ng mga teams na nasa Pool 6 ay uusad sa Finals na gaganapin naman sa Poland.


Buwena manong magsasalpukan nitong alas-3:00 ng hapon ang Brazil at Italy kung saan si First Lady Liza Araneta Marcos ang pangunahing bisita para sa ceremonial serve.

Ang Brazil na three-time Olympic gold medalist ay nasa ikatlong puwesto ngayon sa standing sa pangunguna ng itinuturing na best setter ng torneyo na si Bruno Rezende.

Ang reigning world champions na Italy ay doble kayod ang gagawin kung nais na mag-qualify sa Finals lalo na at nasa seventh place ngayon.

Sa ikalawang game ay face-off naman ng all-Asian classic sa pagitan Japan at China dakong alas-7:00 ng gabi.

Makalipas ang dalawang linggong harapan nananatili pa ring walang talo ang crowd favorite na Japan at nangunguna sa current standings na may 8-0 record.

Kailangan lamang ng Japan ng isa lamang na panalo o higit pa para makakuha ng spot at mapasama sa mga quarterfinalists.

Facebook Comments