MIF Bill, nilagdaan na ng House speaker at secretary general

Nilagdaan na nga ni House Speaker Martin Romualdez ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.

Bukod kay Romualdez, lumagda rin sa enrolled bill si House Secretary General Reginald Velasco.

Ayon sa tanggapan ni Romualdez, matapos lagdaan ay agad ding nai-transmit sa Senado nitong Lunes ang MIF Bill.


Una nang lumagda sa naipasang panukala si Senate President Juan Miguel Zubiri.

Kasunod nito ay ipapadala na naipasang panukala sa Malakanyang para naman lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang ganap na maging batas at maipatupad.

Facebook Comments