Tinanggal sa pwesto ang anim na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic, ito ay kaugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon na narekober na mga smuggled na asukal sa pantalan kamakailan.
Ito ang kinumpirma ni Press Secrretary Trixie Cruz-Angeles sa press briefing sa Malacañang.
Ang mga sinibak ay sina Maritess Theodossis Martin, District Collector; Maita Sering Acevedo, Deputy Collector for Assessment; Giovanni Ferdinand Aguillon Leynes, Deputy Collector for Operations; Belinda Fernando Lim, Chief of Assessment Division; Vincent Mark Solamin Malasmas, Enforcement Security Service (ESS) Commander; at Justice Roman Silvoza Geli, CIIS Supervisor.
Sinabi ni Angeles, kapag napatunayang sangkot ang mga opisyales na ito sa smuggling ng asukal ay gugulong ang kanilang mga ulo o masisibak sa BOC.
Habang iniimbestigahan sila ay temporarily inilipat sa Office of the Commissioner.